Powered by Blogger.

Tuesday, July 16, 2013

Letrang M: Ang Kwento ng Tatlong Bilugang Logo



Parang magkakapatid lang ang logo ng Meralco, Motorola at Cherry Mobile. Pwedeng gawan ng teleserye.

- Si Meralco ang pinakamatanda at pinaka-successful sa tatlong magkakapatid. Mayaman, may sariling lupa. Siya rin ang pinaka-matapobre sa tatlo. Lagi niyang kinakawawa si Cherry Mobile. Palagi rin niyang tinataas-baba ang sweldo ng mga manggagawa sa kanyang hacienda.

- Si Motorola ay isang dating sikat na artista. Dahil sa katagalan niya sa industriya at sa mga bagong mukhang pumapasok sa showbiz, unti-unti siyang nalaos hangga't sa kakaunting tao na lamang ang nakakaalala sa kanya.

- Si Cherry Mobile naman ang pinaka-masipag. Kahit anong uri ng trabaho'y pinapasukan niya. Palagi siyang inaapi at minamaliit ng mga tao kahit dalisay ang kanyang mga intensyon. Favorite din niya si Sarah Geronimo, na siyang mag-gueguest sa Episode 7 at kakanta ng "Click Tayo."

Sa huli, sino sa kanila ang makakaraos? Sino ang makakatikim ng panghabangbuhay na ginhawa? At sino ang malululong sa kahapisan? Abangan.

(Joke. Wag niyong abangan. Wala lang akong magawa rito sa office dahil breaktime.)

13 comments:

Nomad said...

Ang likot ng isip mo. hehe!

Galing ah

khanto (า้ฟืะน) said...

hahaha. kuraks si meralco.
si cherry naman, andaming naiimbento :D

binobautista said...

si meralco ang pinakasakim lol

mutyang said...

Click na click sa Cherry Mobile. Click tayo sa Cherry Mobile. Click tayo sa Cherry Mobile. Click tayo (1, 2 pause) sa Cherry Mobile.

Kulapitot said...

Parang anakarenina lang ang peg hahah feel ko si cherrry mobile

Pao Kun said...

Natawa ako dito ah, parang kakakita ko lang nito sa tweet mo. Natawa ako sa matapobre.

Moises John Bilang said...

eh kaano ano nila si Super MArio? hahha

Mar Verdan said...

Oo nga! Kaano ano nilavsi super mario? Haha

Leeh Saberon said...

ayos nga ang kwento eh .. tahaha .. sana nga may kasunod pa na kwento .. hihihi ..

dinagdag ko na po sa listahan ng aking mga babasahin ang inyong blog :)

Xander said...

Gawan mo to ng part 2 para masaya. Hahaha. Sana wala ka magawa ulit sa office nito at breaktime mo haha

Mafe said...

hahaha. :D nakakatawa 'to. :) nice. nice!

Will said...

Uy, si Super Mario! haha.

mark potato said...

ahihihi.. ang galing :) matiyaga kaya si Cherry Mobile kaya lang magaling si Meralco ng magpaikot.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Important:

I've decided to use Disqus again for my blog. You can post comments by signing in using your Facebook, Twitter, Google+, OpenID, or even your own email. Please try to contact me ASAP if you are having some difficulty accessing the comments section of my blog. I had lots of problems with Disqus the last time I used it. Thank you!

Books & Literature - Top Blogs Philippines Free Page Rank Tool A Pinoy Blogger BLOGS NG PINOY


  © Blogger template The Professional Template II by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP